|
|
SINGER: Eraserheads
SONG:Tindahan Ni Aling Nena
Isang araw... pumunta ako sa tindahan ni aling nena para bumili ng suka. pagbayad ko, aking nakita, isang dalagang nakadungaw sa bintana. natulala ako, laglag ang puso ko. nalaglag rin ang sukang hawak ko. napasigaw si aling nena, ako naman ay parang nakuryenteng pusa ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na nakatawa ang dalaga. panay ang sori ko, sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko. pagdating sa bahay, nagalit si nanay pero oks lang, ako ay in-love, bago na 'to, 'nay. tindahan ni aling nena parang isang kuwentong pampelikula mura na at sari-sari pa ang itinitinda pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera. pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala ngunit sabi ni aling nena habang maaga'y huwag na raw akong umasa. anak niya'y aalis na papuntang canada, tatlong araw na lang ay babay na. hindi mapigil ang damdamin, ako'y nagmakaawang ipakilala. payag daw siya kung araw-araw ay meron akong binibili sa tindahan n'ya ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na at iniwan akong nakatanga. tindahan ni aling nena dito naubos ang aking pera araw-araw ay naghihintay o aling nena, plis naman, maawa na alam n'yong nangyari? wala... (o diyos ko!) wala.. . ÿ
| |
|