|
|
SINGER: Eraserheads
SONG:Kailan
Kailan mo ako hahagkan? matagal na akong naghihintay nakadungaw sa bintana mga dahon lang ang kumakaway Kailan ko mararamdaman pagdampi ng iyong labi? tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa 'king pisngi Kailan ako tatahan? higpit ng yakap ng 'yong dibdib nakatingin ako sa salamin may guhit ang noo't mapait ang ngiti Kailan ko mararamdaman pagdampi ng iyong labi? tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa 'king pisngi Kailan ko masisilayan sa araw-araw aking mahal? mula paggising hanggang sa pag-idlip kagandahan mong walang patid Kailan mo ako hahagkan? matagal na akong naghihintay nakadungaw sa bintana mga dahon lang ang kumakaway Kailan ko mararamdaman pagdampi ng iyong labi? tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa 'king pisngi Kailan ako lalaya sa anino ng pag-iisa? mga rehas lang ang tanaw nanginginig sa seldang maginaw........woh
| |
|