|
|
SINGER: Dugong Ponebre
SONG:Mahirap Maging Mahirap
Pagmulat ng mata katulad ng dati paggising sa umaga iinom ng kape maswerte kung may pandesal sa tabi kung may almusal man pagsasaluhan ng marami. anim na anak sa hirap nagtitiis paglalaba ang trabaho ng asawang buntis eto namang ama, mason sa construction mahina na pero kailangan pang umaksyon. may iba namang mga anak na di mapakinabangan bukod sa tamad kulang ang pinagaralan di nakapagtapos dahil sa pera ay kapos pagod at panahon sa barkada inuubos walang kusa na para bang ayaw tumulong sa kanilang pamilya na sa utang ay baon beinte-sinko anyos na kay ama pa umaasa ang masakit doon may kasa ma pang asawa. Koro: mahirap maging mahirap ulap na sa akin ang makatikim ng masarap na pagkain hindi alam ang gagawin/palaging bitin magkatrabaho man kulang pa rin. (ulitin) Kayod ng kayod hapong hapo sa pagod trabahong kalabaw para sa konting sahod gumagawa maghapon for the minimum wage gagawin ang lahat just to get paid. meron namang ibang nawawalan na ng pag-asa ang kahirapan parang di na makakaya may napipilitang kumapit sa patalim gagawa ng masama para lang makakain! natutong mang-holdap tumambay sa kanto malakas naman ang katawan ba't di magtrabaho? ayun, ginagawang dahilan ang kahirapan pero talagang hindi nya maintindihan na ang buhay sa mundo ay hindi basta-basta na pag hindi ka kumilos wala kang mapapala gutom ang aabutin mo dilat ang yong mata magwawakas ang buhay mong may bakas na luha. (ulitin ang koro)
| |
|